Mt. Province – Lumagda ang mga miyembro ng Sabangan Municipal Police Station at kawani ng DepEd-Data National High School (DNHS) sa “BINNADANG” o uri ng isang Memorandum of Understanding (MOU) sa Sabangan, Mt. Province nito lamang Oktubre 13, 2023.

Nilagdaan ang MOU ni Police Captain Abby Albert Longi, Chief of Police, Sabangan MPS at DNHS Head, Evangeline Tomas, saksi sina Hon. William Malamion ng LGU Sabangan, Brgy. Chairman Ruben Kidit, mga guro at mga magulang.
Paksa sa MOU ang pagkakaisa ng mga kapulisan at nasabing paaralan para mapagtibay ang School-Community Peace Development.

Misyon ng kasunduan ang masaayos ang mga paparating na mga programa at aktibidad na kanilang napagplanuhan para sa pagbibigay tulong at serbisyo sa mga kabataan ng Sabangan.