Matagumpay ang muling paglulunsad ng 1st Cagayan Provincial Mobile Force Company (PMFC) sa kanilang “Saan Ang Bente Mo?” ETNEB Challenge Season 3 na ginanap sa Camp Tirso H Gador, Cagayan Police Provincial Office, Tuguegarao City, Cagayan nito lamang ika-14 ng Nobyembre 2022.
Kasabay ng Traditional Monday Flag Raising Ceremony ay naisakatupuran ang muling pagbubukas ng proyektong nabanggit.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Lord Wilson Adorio, Force Commander, ito ay nasa ikatlong taon na upang magbigay ng kasiyahan sa mga Indigent Families sa kanilang nasasakupan lalo na ngayong papalapit na ang Kapaskuhan.
Dagdag niya, December 2020 nang magsimula ang Challenge sa mga stakeholders, mga PNP personnel at mga nais magbahagi ng kanilang bente pesos bilang minimum donation.
Ang mga nalikom na halaga ay ibinili ng mga Noche Buena package at ibinigay sa mga kapus-palad na pamilya sa kanilang nasasakupan.
Noong Season 1 at 2 ay nasa 100 ang pamilya ang napasaya at nadama ang tunay na diwa ng pasko dahil sa simpleng regalo kaya nais ipagpatuloy ng 1st PMFC ang nasimulang ETNEB Challenge na ito.
Pinuri naman ni Police Colonel Julio S Gorospe Jr. ang 1st Cagayan PMFC sapagkat naipapakita nila ang malasakit sa kapwa. Gayundin ay sinasalamin nila ang pagiging Makatao bilang isa sa PNP Core Values.
Ang Pambansang Pulisya ay kaisa ng komunidad sa pagdiriwang ng kapaskuhan na may katahimikan at kapayapaan sa piling ng ating mga mahal sa buhay.
Source: 1st Cagayan PMFC
Panulat ni Police Corporal Carla Mae P Canapi