Rizal – Dumalo ang mga miyembro ng Regional Police Community Affairs and Development Unit (RPCADU) 4A sa isinagawang Regional Kick-Off Ceremony ng 29th National Crime Prevention Week at Launching of Project ‘’Red Allert Button’’ na ginanap sa Ynares Event Center, Capitol Compound, Brgy. San Roque, Antipolo City, Rizal nito lamang Martes, Setyembre 5, 2023.
Ang aktibidad ay dinaluhan din ni Honorable Nina Ricci A Ynares, Governor ng Rizal Province bilang Guest of Honor and Speaker, Police Brigadier General Carlito M Gaces, Regional Director ng Police Regional Office 4A, mga matataas na opisyal ng PNP, Atty. Owen G De Luna, Regional Director ng NAPOLCOM 4A, mga miyembro ng NAPOLCOM, Advocacy Support Groups at Force Multipliers ng Antipolo City at mga piling kinatawan ng munisipalidad ng probinsya.
Ang aktibidad ay may temang: “Addressing Crime Prevention at the Local, National and Global Level” na kung saan ipinahayag ni RD, PRO4A ang mga tara ng nagawa ng mga kapulisan sa pagpapanatili sa kaayusan, katahimikan at kaligtasan ng buong rehiyon.
Nagpapasalamat din ang pangunahing pandangal sa PNP, NAPOLCOM at iba pang dumalo sa pagpapatupad ng batas para masugpo ang mga krimen at mahuli ang mga kriminal sa probinsya.
Nagtapos ang aktibidad sa ipinakitang presentasyon at isinagawang Simulation Exercise ng Project Red Button ng Antipolo City Police Station.
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel T Dulin