Oriental Mindoro – Nakiisa ang mga tauhan ng Regional Police Community Affairs and Development Unit MIMAROPA sa isinagawang Tree Planting at Clean-up Drive Activity sa Wawa Mangrove Protective Area Brgy. Wawa, Calapan City, Oriental Mindoro noong ika-26 ng Oktubre 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Elmo Guevarra, Officer-In-Charge ng RPCADU MIMAROPA, katuwang ang mga tauhan ng Calapan City Police Station at Provincial Internal Affairs Service Oriental Mindoro.

Matagumpay na naitanim ang nasa 150 na punla ng Mangrove Propagules at nalinis ang kapaligiran ng nasabing lugar.

Layunin ng aktibidad na makatulong sa pagpapalago ng mga bakawan upang magbigay proteksyon sa mga baybayin laban sa pagbaha, malakas na hangin, alon, at tsunami.
Ang aktibidad na ito ay naaayon sa PNP Core Values na “Makakalikasan” na naglalayong pangalagaan ang ating kapaligiran.
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus