Baguio City – Nakiisa ang mga tauhan ng Regional Police Community Affairs and Development Unit Cordillera sa isinagawang Memorandum of Agreement sa pagitan ng Regional Mobile Force Battalion 15 at University of the Cordilleras- College of Criminal Justice Education na ginanap sa Principal Office, Governor Pack Road, Baguio City nito lamang Huwebes, Marso 16, 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Dr. Arnel Nimo Pumecha, Vice President for Academics and Research of UC kasama ang Dean ng CCJE na si Dr. Robino Cawi at Mr. Scyld Segundo, Community Extension UC at ni Police Lieutenant Colonel Ruel Tagel, Force Commander ng Regional Mobile Force Battalion 15.
Dumalo naman si Police Lieutenant Colonel Lousito Meris, Officer-In-Charge, RPCADU Cordillera sa nasabing aktibidad bilang isa sa mga witness.
Layunin ng aktibidad na pagtibayin at palakasin ang ugnayan ng paaralan, kabataan at kapulisan tungo sa magandang kinabukasan at mailayo sa maling landas at pagsali sa mga makakaliwang grupo ang ating mga kabataan na pag-asa ng ating bayan.