Nagsagawa ng information drive ang Regional Police Community Affairs and Development Unit Cordillera (RPCADU CAR) para sa mga mag-aaral ng Cordillera Career Development Center sa La Trinidad, Benguet noong Abril 2, 2025.
Pinangunahan ni Police Colonel Louisito B Meris, Chief RPCADU CAR, ang talakayan tungkol sa masamang epekto ng ilegal na droga at mga kampanya laban sa terorismo samantala nagbigay naman si Police Lieutenant Colonel Denver A Alidao, ng mensahe tungkol sa pananampalataya bilang gabay sa mabuting pamumuhay.

Tinalakay rin ang mga epekto ng bullying, mga tips sa pag-iwas sa krimen, kahalagahan ng pagtutulungan sa pagpapanatili ng kapayapaan at Republic Act 11313 o Safe Spaces Act of 2004.
Namahagi rin ng mga flyers para sa dagdag-kaalaman ng mga mag-aaral.
Bahagi ang aktibidad na ito ng patuloy na pagsisikap ng PNP sa pagpapalaganap ng kaalaman at pagpapanatili ng isang ligtas at maunlad na komunidad.