Nakiisa sa isinagawang BPATs 3-Day Enhancement Training ang mga tauhan ng Regional Police Community Affairs and Development Group Unit BAR sa Old Kaabakan, SGA-BARMM nito lamang Pebrero 19-21, 2025.
Naging pangunahing tagapagturo naman si Police Colonel Jaime N Barredo Jr. Chief, RPCADU BAR, sa naturang aktibidad katuwang ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection at AFP na namahagi rin ng mga kalaaman tungkol sa search and rescue operation at Intelligence and Security Agent Training, ito ay naging inisyatibo ng ACTED Philippines sa pamumuno ni Hashim D. Bajunai.


Dinaluhan din ng ibang opisyales ng barangay ang naturang aktibidad kasama si Police Captain Raffy E Cajefe, Special Security Task Team ng Old Kaabakan na kung saan sumailalim sa 2 days lecture ang 60 miyembro ng Barangay Peace Keeping Action Teams, at isang araw naman para sa practical exercises tulad ng proper handcuffing at rescue operation.
Nakatanggap din ng Certificate ang bawat miyembro ng PBATs bilang gantimpala sa kanilang aktibong partisipasyon.
Ang buong hanay ng PRO BAR partikular ang mga personahe ng RPCADU BAR katuwang ang ibang ahensya ng gobyerno ay patuloy na maghahatid ng kaalaman, suportahan ang pagsulong sa kapayapaan, labanan ang mga karahasan, at mga inisyatiba sa pagpapanatili at pagkamit ng ligtas at maunlad na barangay.
Panulat ni Pat Veronica Laggui