Nakiisa ang mga tauhan ng Regional Police Community Affairs and Development Unit 7 sa isinagawang Public Information Seminar sa Barangay Ermita, Cebu City, Martes, Pebrero 6, 2024.

Personal na dumalo at nagpaabot ng kanyang suporta si Police Lieutenant Colonel Leoncio B Baliguat Jr., Acting Chief, RPCADU 7, na isa din sa mga tagapagsalita sa nasabing seminar.

Ang seminar ay pinangunahan ni Colonel Erwin Rommel P Lamzon, GSC (INF) PA, MNSA – JTG Commander, kasama ang mga miyembro ng 14th Civil-Military Operations (KATIPANAN) Battalion.

Kabilang sa nakiisa sa seminar ang Police Station 5 ng Cebu City Police Office, Cebu City Mobile Force Company, iba’t ibang sektor ng gobyerno at mga stakeholders kabilang na ang Bureau of Fire Protection, Philippine Coast Guard, TESDA, DOLE, DENR, DA-BFAR, DILG, CSWS, Ermita DepEd, DSWD, Ermita Barangay Officials, mga miyembro ng Ermita Fisherfolk Association, at mga residente ng barangay.

Maliban sa mga tinalakay na ibinahagi ng mga tagapagsalita mula sa iba’t ibang sektor ay namahagi din ang grupo ng libreng food packs, grocery items, at libreng gupit na tinanggap ng nasa humigit kumulang 150 na benepisyaryo ng aktibidad.
Patuloy na makikiisa ang RPCADU 7 sa mga aktibidad na may layuning magbigay ng taos-pusong serbisyo para sa komunidad upang maipadama sa kanila ang malasakit at tunay na serbisyong handog ng mga ahensya ng gobyerno.
Panulat ni Pat Carla Jane Tanio