Laguna – Nakiisa sa Tree Planting Activity ang mga tauhan ng Regional Police Community Affairs and Development Unit 4A na ginanap sa Talon 1, Brgy. Pansol, Calamba City, Laguna nito lamang Oktubre 14, 2023.
Ang grupo ay pinamunuan ni Police Lieutenant Colonel Owen Banaag, Assistant Chief, RPCADU 4A, at ang aktibidad ay pinangunahan ng Calamba City Component Police Station sa pamumuno ni Police Lieutenant Milany Martirez, Acting Chief of Police.

Katuwang din sa aktibidad ang Finance Service 4A, RCADD 4A, BJMP Calamba City Male Dorm and Infirmary, RMFB 4A, CAMO Team, mga miyembro ng APO LAWMAN 4A, APO ni Rizal, Advocacy Support Groups, Barangay Officials at Barangay Quick Response Team ng nabanggit na barangay.

Tinatayang 300 fruit-bearing at non-fruit-bearing trees seedlings tulad ng narra, sampalok, guyabano, avocado, dalandan, santol at calamansi ang naitanim ng naturang mga grupo.
Ang aktibidad ay isinagawa kaugnay sa Native Tree Planting Day (Trees for Peace) with the theme: “Puno ng Kinabukasan, Tulay sa Kapayapaan” at PNP Core Value na “Makakalikasan”.
Layunin nitong pagtulungan ng bawat mamamayan ang pagpapahalaga sa mga punong-kahoy na makakapagbigay ng sariwang pagkain, hangin, lilim at para maiwasan ang mga sakuna tulad ng baha, landslide, at global warming.
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel T Dulin