Cavite City – Nakiisa ang mga tauhan ng Regional Police Community Affairs and Development Unit (RPCADU) 4A sa isinagawang Fun Run sa Sangley Point, Cavite City nito lamang Sabado, Oktubre 21, 2023.
Ang aktibidad ay inorganisa ng Kabataang Sangley katuwang ang AFP Triathlon Team-Naval Base Cavite kaugnay sa Batang Sangley Fun Run – Race for our Heroes.

Tinatayang 500 mananakbo mula sa AFP, PNP, Kabataang Sangley at kanilang pamilya, mga iba’t ibang sangay ng gobyerno, NGOs, LGUs at mga Running Groups ang nakilahok sa nasabing aktibidad.
Layunin nitong suportahan ang mga pangangailangang medikal ng mga sundalo at mga miyembro ng kanilang pamilya na nahaharap sa mga espesyal na kondisyong medikal, panatilihin ang malusog na pangangatawan at palakasin ang ugnayan ng PNP, AFP at mga mamamayan.
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel T Dulin