Laguna – Nagsagawa ng Crime Prevention Information, Education, and Communication Program ang Regional Police Community Affairs and Development Unit 4A kaugnay sa PNP OPLAN “Bisita Eskwela” (BES) Program sa Camp Vicente Lim Integrated School, Brgy. Mayapa, Calamba City, Laguna nito lamang Oktubre 19, 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Colonel Meldrid Patam, Chief, RPCADU 4A, katuwang ang Regional Community Affairs and Development Division 4A, Regional Medical and Dental Unit 4A, Police-Drug Enforcement Group (PDEG)’s Special Operations Unit 4A, Regional Anti-Cybercrime Unit 4A, school principal, mga guro at staff ng nabanggit na paaralan.

Aktibong nakiisa at nakinig ang mga estudyante mula Grade 12 sa mga tinalakay patungkol sa RA 11313: Safe Spaces Act (Bawal Bastos Law), RA 7877 o The Anti-Sexual Harrassment Act of 1995, Drug Education and Prevention Tips, RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Cyber Crime Awareness at Cyber Crime Security Tips at Anti-Terrorism (Orientation of Youth and Student on Terrorism)/NTF-ELCAC in Relation to EO 70.
Bukod dito, namahagi din ang mga tauhan ng RPCADU 4A ng PNP Journal at flyers tungkol sa Crime Prevention Tips, BSKE 2023, E-Sumbong at Anti-Terrorism.

Layunin nitong ipaalam sa mga estudyante ang hindi magandang dulot ng droga, krimen, karahasan at terorismo at hinihikayat din ang mga ito na suportahan ang mga programa ng gobyerno lalo na ang PNP sa pagpapanatili ng maayos, tahimik at ligtas na pamayanan.
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel T Dulin