Laguna – Nagsagawa ng Crime Prevention Information, Education and Communication Program ang Regional Police Community Affairs and Development Unit 4A kaugnay sa pagdiriwang ng ika-29th National Crime Prevention Week sa University of Perpetual Help System, Biñan City, Laguna nito lamang Setyembre 7, 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Colonel Meldrid Patam, Chief, RPCADU 4A katuwang ang National Police Commission 4A, Regional Anti-Cybercrime Unit 4A, Regional Community Affairs and Development Division 4A, Regional Medical and Dental Unit 4A, Philippine Drug Enforcement Agency-Laguna Provincial Office, dean at staff ng nabanggit na unibersidad.
Aktibong nakiisa at nakinig ang mga estudyante mula sa Bachelor of Science in Criminology at Bachelor of Science in Education sa mga tinalakay patungkol sa Cyber Crime Awareness at Cyber Crime Security Tips, RA 11313: Safe Spaces Act (Bawal Bastos Law), The Function of PNP under RA 8551, Drug Education and Prevention/ Effects of Drug in Human Body, Anti-illegal Drug Operation/RA 9165 at Anti-Terrorism (OYSTER).
Bukod dito, namahagi din ang mga tauhan ng RPCADU 4A ng PNP Journal at flyers tungkol sa Crime Prevention Tips at Anti-Terrorism.
Layunin nitong ipadama sa mga paaralan lalo na sa mga estudyante ang kahalagahan ng ugnayang pulisya-mamamayan at para maiwasan maging biktima ng krimen, droga, karahasan at terorismo.
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel T Dulin