Laguna – Nagsagawa ng Community Outreach Program at PNP Serbisyo Caravan ang Regional Police Community Affairs and Development Unit (RPCADU) 4A na ginanap sa People and Culture Services Day ng Alaska Milk Corporation sa San Pedro, Laguna nito lamang Miyerkules, Setyembre 20, 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Owen Banaag, Asst. Chief, RPCADU 4A sa direktang superbisyon ni Police Colonel Meldrid Patam, Chief, RPCADU 4A, katuwang ang Regional Medical and Dental Unit 4A, Regional Mobile Force Battalion 4A-CURAO, San Pedro City Police Station, Chica-Integra Care, Rotary Club of Camp Crame at HR Department ng nabanggit na korporasyon.

Naghandog ng mahigit 150 free reading eyeglasses, free eye check-up, free accupunture, free natupathic medicines, gym membership discount, E-Sumbong Complaint Desk, Women’s Assistance Help Desk; at timekeeping, payroll, personal information, benefit, leave at iba pang concern ng mga manggagawa ng nabanggit na korporasyon.

Bukod dito, namahagi din ng mga IEC materials (PNP Journal and PSB) sa mga dumalo at manggagawa.
Layunin nitong matulungan ang mga manggagawa sa kanilang pangunahing pangangailangan sa kalusugan at suportahan ang layunin ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na iligtas ang mga mahinang sektoral at kontrahin ang plano ng CTG na pukawin ang pagkabalisa ng mga manggagawa lalo na nitong kaganapan ng ika-51 Deklarasyon ng Martial Law Anniversary nitong Setyembre 21, 2023.
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel T Dulin