Pinangunahan ng Roxas Municipal Police Station ang pagsasakatuparan ng Project S.H.A.R.E. (Spreading Hope through Assistance, Relief, and Empowerment) sa Sitio Uyao, Barangay Bagumbayan, Roxas, Oriental Mindoro noong ika-4 ng Mayo 2024.
Sa pangunguna ni Police Major Clyde B. Kalyawen, Acting Chief of Police ng Roxas MPS, ay muling naglunsad ng kanilang proyekto para sa komunidad na tinatawag na Project S.H.A.R.E. (Spreading Hope through Assistance, Relief, and Empowerment).

Naisakatuparan ang aktibidad sa pakikiisa ng iba’t ibang samahan tulad ng Local Government Unit – Tanggapan ng Municipal Mayor, Sangguniang Kabataan Federation, Paradigm Colleges of Science and Technology, Inc., John Paul College, Roxas Youth Movement, Seaside Resto Grill, MDRRMO, The Fraternal Order of Eagles — Philippine Eagles, Tau Gamma Phi, at iba pang kilalang organisasyon.

Sa ginanap na aktibidad, namahagi ang Roxas MPS ng mga food packs at nagdaos ng kampanya para sa kamalayan ng higit sa 100 benepisyaryo sa nasabing komunidad.
Ayon kay Mr. Erik Mecca, kinatawan ng Office of the Municipal Mayor, “Ang pagtutulungan sa Project S.H.A.R.E. ay nagpapakita ng espiritu ng pagtutulungan at pagkakaisa sa loob ng ating bayan.”
Sa kabuuan, ang programang S.H.A.R.E ay nagnanais na magbigay inspirasyon sa iba pang sektor upang makiisa sa pagtulong sa kapwa. Ang pagpapahalaga ng pagkakaisa at pagtutulungan ay mahalaga sa pagtataguyod ng kapakanan ng komunidad.
Source: Roxas MPS OrMin PPO
Panulat Ni Patrolwoman Desiree Padilla