Romblon – Nagsagawa ng Feeding Program ang mga tauhan ng Romblon Police Provincial Office sa Barangay Capaclan, Romblon, Romblon noong ika-14 ng Nobyembre 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Major Ledilyn Ambonan, Provincial WCPD Officer kasama si Mrs. Emelie Lim, Child Development Teacher.

Ang aktibidad ay kaugnay sa Children’s Month Celebration na may temang “Healthy, Nourished, Sheltered: Ensuring the Right to Life for all”.

Naging matagumpay ang aktibidad katuwang ang mga guro ng naturang paaralan kung saan kabilang sa aktibidad ang Feeding Program at nagsagawa din ng lecture at palaro para sa mga kabataan at magulang ng mga estudyante.
Patuloy ang PNP sa pagsasagawa ng mga programa na naglalayong isulong ang pagkakaisa tungo sa isang ligtas, maayos at maunlad na pamayanan.
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus