Aktibong nakilahok ang mga tauhan ng Romblon Police Provincial Office sa isinagawang Alay Lakad at Mangrove Tree Planting bilang bahagi ng 35th National Statistics Month Opening Ceremony na may temang, “Advancing Data and Statistics Through Digital Transformation: A Road to an Empowered Nation” na ginanap sa Barangay Lonos, Romblon, Romblon nito lamang ika-1 ng Oktubre 2024.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng PSA-Romblon kasama ang RMDU, PRBS, PCG, BFP, BJMP, Government employees at Barangay Council ng Lonos.
Layunin ng aktibidad na ito na pukawin ang kamalayan ng mga mamamayan na makiisa at makilahok sa mga programang pangkomunidad at pangangalaga sa kalikasan.
Source: Romblon Police Provincial Office