Sorsogon – Inilunsad ng Sorsogon Police Provincial Office ang ROaD to K o ang “Readiness in all aspects of Policing; Opportunities for everyone to shine; and Discipline in the ranks towards Progress” bilang suporta sa PRO5 KASIMBAYANAN program na ginanap sa Camp Salvador Escudero Sr., Sorsogon City, Sorsogon nitong ika-12 ng Nobyembre 2022.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni PCol Dionesio Laceda, Provincial Director ng Sorsogon PPO na aktibong sinuportahan ni PBGen Rudolph Dimas, Regional Director ng PRO5 na nilahukan ng iba’t ibang religious sector, biker’s enthusiast, mga personahe mula sa Police Regional Office 5 at mga kapulisan ng Sorsogon Police Provincial Office.
Ang aktibidad ay kaugnay sa programa ng kasalukuyang Hepe ng Pambansang Pulisya na si PGen Rodolfo S Azurin Jr. na “KASIMBAYANAN” o ang Kapulisan, Simbahan at Pamayanan na naglalayong itaguyod ang pagkakaisa, pagtutulungan at mapagtibay ang ugnayan ng pulis at ng iba’t ibang sektor ng lipunan sa pagharap sa mga hamon at sa layuning gawing tunay na mas ligtas at maisaayos ang pamayanan.
Bukod dito, nagkaroon din ng pagbasbas at pagpapasinaya sa bagong constructed water pump na pinangunahan ni PBGen Dimas at pag-turn over nito sa Barangay Campulga, Sorsogon City na lubos namang ikinagalak ng mga residente dahil sa malaking tulong ito para sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay.
DIMASukat ang ngiti at saya ng mga residente sa nasabing barangay dahil sa maagang pamasko na handog ng ating kapulisan.
Source: Sorsogon PPO