Isinagawa ang Road Safety Awareness sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Patrich A Elma, Chief, Traffic Enforcement Unit (TEU) ng General Santos City Police Office sa Barangay Gymnasium, Barangay Olympog General Santos City nito lamang Lunes, Marso 16, 2026.
Tinalakay ni Police Senior Master Sergeant Limuel P. Aves, Traffic Educator, ang kahalagahan ng pagsunod sa mga karatula na “Slow Down” sa mga residential area upang maiwasan ang mga aksidente at matiyak ang kaligtasan ng mga naglalakad, motorista, at ng komunidad sa pangkalahatan.
Ang mga kalahok ay binigyan ng impormasyon tungkol sa responsableng pagmamaneho, mga patakaran sa trapiko, at ang responsibilidad ng mga gumagamit ng kalsada sa paglikha ng mas ligtas na kapaligiran.



