Ikinasa ng mga tauhan ng Mayoyao PNP ang road clearing operations matapos ang malakas na tuloy-tuloy na pag-ulan at malakas na hangin dahil sa hagupit ng Bagyong Kristine nito lamang Miyerkules, Oktubre 24, 2024.
Ang road clearing operation ay pinangunahan ni Police Captain Hanibal G Homecgoy, Acting Chief of Police ng Mayoyao Municipal Police Station, sa tulong ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at Bureau of Fire Protection (BFP).
Nagkaisa at nagtulong-tulong ang grupo sa paglilinis mula sa mga nabuwal na puno, na nakaharang at nagkalat sa kalsada na nagdulot ng pagsikip sa daloy ng trapiko at maglalagay sa peligro ng mga motorista.
Patuloy na binabantayan ng PNP ang seguridad at kaligtasan ng publiko lalo na sa panahon ng kalamidad at nanawagan na maging alerto at sumunod sa alituntunin upang masigurong ligtas sa Bagyong Kristine.