Isabela – Maagap na Road Clearing Operation ang isinagawa ng mga tauhan ng Benito Soliven Police Station na aktibong pinangunahan ni Police Major Alford Accad katuwang ang mga tauhan ng MDRRMO sa Brgy. District 2, Benito Soliven, Isabela noong ika-27 ng Agosto 2023.
Tulung-tulong na tinanggal ang mga natumbang puno at malalaking bato na nakaharang sa kalsada na naging sagabal sa mga dumadaang sasakyan.

Mahigpit ding inobserbahan at binantayan ang iba pang daanan sa naturang bayan upang maagapan anuman ang maaaring mangyari kagaya ng biglang pagbagsak ng malalaking puno at poste ng kuryente.
Ang aktibidad na ito ay bahagi ng layuning maibsan ang suliranin ng mamamayan dulot ng bagyong GORING at makatugon ng agarang tulong sa komunidad sa panahon ng kalamidad.
Source: Benito Soliven PS
Panulat ni PSSg Jerlyn V Animos