Inilunsad ng mga tauhan ng Tabaco City PNP ang road clearing operations matapos ang malakas na tuloy-tuloy na pag-ulan at malakas na hangin dulot ng Bagyong Kristine sa iba’t ibang parte ng siyudad ng Tabaco, Albay nito lamang Miyerkules, Oktubre 23, 2024.
Ito ay sa ilalim ng utos ni Police Lieutenant Colonel Edmundo A Cirillo Jr., Acting Chief of Police ng Tabaco City Police Station, sa tulong ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at ilang mga residente.
Tulong-tulong ang naturang grupo na nilinis ang kalsada mula sa mga nabuwal na puno, natumbang poste na nakaharang sa kalsada at iba pang mga debris na nagdulot ng pagsikip sa daloy ng trapiko at maglagay sa peligro ng mga motorista.
Mabilis ang tugon ng Tabaco City PNP sa mga pinsalang dulot ng bagyo upang mapanatili ang seguridad, kaligtasan ng publiko at nanawagan na maging alerto at sumunod sa alituntunin upang masigurong ligtas sa Bagyong Kristine.
Source: Tabaco City Police Station
Panulat ni PSSg Grace Neville L Ortiz