Ikinasa ang road clearing operation ng mga miyembro ng Bataan Police Provincial Office dahil sa hagupit ng Bagyong Carina nito lamang Miyerkules, ika-24 ng Hulyo 2024.

Ang mga miyembro ng Bataan PNP ay nagsagawa ng pagbabantay sa pagtaas ng tubig, pagpapatrolya, at paglilinis ng kalsada sa iba’t ibang bahagi ng Bataan sa pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan ng lalawigan.
Ipinapakita nito ang dedikasyon ng Bataan PNP sa pagsisilbi at pagprotekta sa mga kapwa Bataeño, lalo na sa panahon ng krisis.

Hinikayat naman ang komunidad na maging alerto at mag-ingat sa nararanasang kalamidad at makipagtulungan sa mga awtoridad at sundin ang mga safety protocols upang maiwasan ang pagkakaroon ng casualty.