Matagumpay na nagsagawa ng Three-day Outreach Program ang PNP Wolverine RMFB15 sa mga mag-aaral at residente ng Barangay Pula, Banaue, Ifugao sa Pula Elementary School nito lamang ika-26 hanggang 28 ng Mayo 2024.

Katuwang sa nasabing aktibidad ang mga Tourism students ng Ifugao State University-Lamut Campus, mga guro, mga magulang at community leaders.
Tampok sa aktibidad ang mga pagtalakay sa mga anti-criminality, anti-illegal drugs at anti-terrorism, pagsagawa ng libreng gupit, recreational activities na may kasaling parlor games at iba pang physical activities para palakasin ang teamwork, sportsmanship at social interaction ng bawat mag-aaral.

Bukod pa rito, namahagi din ng mga school supplies gaya ng plastic expanding envelop, notebooks, ballpen, lapis at erasers upang matiyak na may gagamitin ang mag-aaral para masuportahan ang kanilang pag-aaral.
Ayon kay Police Colonel Ruel D Tagel, Force Commander ng RMFB 15, ang aktibidad ay bilang pagsuporta sa “Panag-aywan iti Kailyan” ng RMFB15 na isa sa mga best practices ng nasabing Unit na nagpapakita ng kanilang dedikasyon sa paglilingkod at pagpapabuti ng kapakanan ng komunidad.
Panulat ni Pat Liezle B Digman