Namahagi ng Ramadan Food Packages ang mga tauhan ng 7th Mobile Force Company ng Regional Mobile Force Battalion ng National Capital Region Police Office sa Barangay Maharlika Village, Taguig City nito lamang Miyerkules, Marso 13, 2024.
Naisagawa ang aktibidad sa pangunguna ng Community Affairs Section sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Mario P Malana, Force Commander ng RMFB-NCRPO katuwang ang Taha Basman Memorial Islamic Foundation, Inc. sa pamumuno ni Ms. Nelia S. Basman, Executive Officer.

Nasa 300 na benepisyaryong mga kapatid nating Muslim ang nabigyan ng mga food packages na ipinamahagi ng grupo na puno ng iba’t ibang mga masusustansyang pagkain, para sa kanilang pag-aayuno ngayong panahon ng Banal na Buwan ng Ramadan.

Layunin ng nasabing aktibidad na maipakita ang lubos na pakikiisa at tumibay ang pakikipag-uganayan ng kapulisan sa mga kapatid natin muslim ngayong Buwan ng Ramadan.
Source: RMFB NCRPO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos