Tarlac — Nagwagi sa isinagawang 1st Tradoc Commander’s Cup Long Range Marksmanship Challenge ang mga tauhan ng RMFB NCRPO Rifle Team na ginanap sa Marksmanship Training School Firing Range/UDR, Camp O’Donnell, Capas, Tarlac nito lamang Hulyo 1-2, 2023.
Ang nasabing patimpalak ay pinangunahan ni Police Major Roderick Pacila, 9th MFC Commander sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Jonathan Calixto Jr, Force Commander ng RMFB.
Naging Over-All Champion Team Category ang grupo at nabigyan din ang bawat isa ng parangal tulad ng CHAMPION LAWMAN Category, 1st Runner-up Overall Aggregate, 2nd Runner Up Light Aggregate 5.56 Gun Division Best Shooter Team 1 at Best Shooter, Team 1&2 Recognition Award.
Nakatanggap din ang grupo ng Php100,000 na cash prize para sa pagiging kampeon.
Ang nasabing kompetisyon ay nilahukan ng iba’t ibang elite units ng Armed Forces of the Philippines (AFP) tulad ng FSRR, LRR, MARSOG PMC, PSG, FRG, SFR (A), PNP SAF at RMFB NCRPO.
Layunin ng patimpalak na ito na ipamalas ang angking galing ng mga miyembro ng law enforcement agencies sa paghawak at paggamit ng mga armas na magagamit sa pagsagip ng buhay.
Source: RMFB NCRPO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos