Muntinlupa City — Nagsagawa ng Joint Clean-up Drive ang Regional Mobile Force Battalion kasama ang mga opisyales ng barangay Bagumbayan, Sucat, Muntinlupa City nito lamang Biyernes, Agosto 11, 2023.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng Battalion Community Affairs Section sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Major Edgardo Tigbao, Chief of Police kasama sina Gng. Menchie Sales, Environmental Head ng naturang barangay at Gng. Carmela Tatoy, City Environmental and Resources Office.
Sama-samang nilinis ng kapulisan at Force Multipliers ang estero na binabalot ng makapal na basura at ng mga mapaminsalang insekto na nagdudulot ng mga sakit.
Ang aktibidad na ito ng grupo ay patuloy na mamamayagpag sa Metro Manila upang matulungan malinisan ang mga lugar kung saan malimit na magkaroon ng pagbaha na siya namang nakakaapekto sa pamumuhay ng mga tao lalo sa panahon ng tag-ulan.
Source: RMFB NCRPO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos