Nagkaisa ang Regional Mobile Force Battalion 4A at Regional Police Community Affairs and Development Unit 4A sa isinagawang Denouncement of CPP-NPA-NDF Program na ginanap sa isang kapilya sa Sitio Buntog, Brgy. Canlubang, Calamba City, Laguna.

Ang programa ay pinangunahan ni Police Captain Maria Ailyn Franca, Team Leader ng RMFB 4A-Curao katuwang si Police Lieutenant Colonel Owen Banaag, Assistant Chief, RPCADU 4A at mga miyembro ng Task Force Ugnayan.

Tinatayang 50 miyembro ng Kababaihang Magbubukid Samahan sa Buntog ang nagbalik-loob sa gobyerno, lumagda, at sumumpang tatalikuran ang idelohiyang terorismo.
Hinihikayat ng PNP ang mga iba pang mga miyembro ng rebeldeng grupo na makiisa sa mga programa ng gobyerno at tuluyan ng tuligsain ang CPP-NPA-NDF upang maging ligtas, maayos, at mapayapa ang komunidad kapiling ang kanilang pamilya.
Panulat ni Patrolman Louviemer E Julian