Bilang paghahanda sa banta ng Bagyong Kristine, nakaalerto at handa ang mga tauhan ng Regional Mobile Force Battalion 3 (RMFB 3) sa Police Regional Offce 3, Camp Captain Julian Olivas, City of San Fernando, Pampanga nito lamang Miyerkules, ika-23 ng Oktubre 2024.
Ang RMFB 3 sa pangunguna ni Police Colonel Enrico E Figueroa, Acting Force Commander, ay naka-high alert at handa upang tumugon sa mga posibleng maaapektuhan ng kalamidad sa nasabing lugar.
Bilang bahagi ng kanilang paghahanda, isinagawa ang pagsusuri ng mga kagamitan para sa Search and Rescue Operations, kabilang ang mga life vest, helmet, megaphone, at mga gamit para sa pagliligtas tulad ng mga lubid, martilyo, at iba pang pang-imbak, para sa mabilisang pagresponde sa mga komunidad na maaapektuhan ng baha, landslide, at iba pang peligro dulot ng bagyo, gayundin ang pagtatalaga ng mga tauhan.
Patuloy naman na nakikipag-ugnayan ang RMFB 3, sa mga lokal na pamahalaan at iba pang ahensya, nagbibigay ng impormasyon at gabay sa publiko habang ang bagyo ay papalapit, at handang umaksyon anumang oras.