Nakiisa ang kapulisan ng Rizal sa isinagawang Simultaneous Showdown Inspection ng PNP Disaster Response Equipment para sa paghahanda sa mga sakuna na ginanap sa Camp MGen Licerio I Geronimo Taytay, Rizal nito lamang ika-28 ng Mayo 2024.
Ito ay masigasig na pinangunahan ni Police Colonel Felipe B Maraggun, Provincial Director ng Rizal Police Provincial Office ang aktibidad kasama ang Command Group, Provincial Staff at Provincial Support Units.

Sa aktibidad ay sinuring mabuti ni Police Colonel Maraggun ang lahat ng kagamitan para sa Search and Rescue Operation tulad ng Rubber Boats, Ambulance at iba pang kagamitan na maaaring gamitin sa pagresponde at agarang aksyon sa panahon ng kalamidad.
Tiniyak din nito na ang lahat ng kagamitan ay nasa maayos na kundisyon upang sa mga oras na kailanganin ay walang maging aberya.
Ang hakbang na ito ng kapulisan ng Rizal ay naglalayong tiyakin na laging handa at mabilis na makakakilos sa pagtugon sa anumang sakuna, ng sa gayon ay mapangalagaan ang buhay at ari-arian ng bawat mamamayan ng kanilang lalawigan.
Source: Rizal Police Provincial Office
Panulat ni Patrolwoman Angelica Rica Teng