Nueva Vizcaya – Pinangunahan ng Aritao PNP ang pagsasagawa ng Revitalized PNP KASIMBAYANAN at aktibong nilahukan ng mga miyembro ng Christian Minister’s Association of Aritao (CMAA) sa Aritao Gymnasium sa Brgy. Poblacion, Aritao, Nueva Vizcaya, nito lamang ika-25 ng Enero taong kasalukuyan.
Kabilang sa mga dumalo ay si Hon. Jayson E Ferrer, Vice Mayor ng Aritao, mga Councilors, Barangay Councils, Representante ng iba’t ibang religious sectors sa 22 na Barangay ng Aritao, Barangay Peace Keeping Action Teams (BPATs), at residente ng nasabing barangay.
Sa pangangasiwa ni Police Captain Roger Visitacion, Officer-in-Charge at sa pakikipagtulungan nila Pastor Roreg Angyab at Pastor Clemen Cadoy ay matagumpay na naidaos ang naturang aktibidad.
Tinalakay sa aktibidad ang mga programa ng Kapulisan, Simbahan at Pamayanan na mas lalong magpapalawig at mapagtibay ang kanilang adbokasiya na sumasang-ayon rin sa hangarin ng pamahalaan at kapulisan na magkaroon ng isang maunlad at mapayapang pamayanan para sa lahat ng mamamayan.
Layunin ng aktibidad na mas lalong pagyamanin ang maayos na ugnayan ng komunidad, kapulisan at religious sector tungo sa isang mapayapa, maunlad at maayos na lipunan.
Source: Aritao Police Station
Panulat ni PCpl Harry B Padua