Polomolok, South Cotabato – Isinagawa ng Polomolok PNP ang Revitalized PNP KASIMBAYANAN (Kapulisan, Simbahan at Pamayanan) sa Brgy. Poblacion, Polomolok, South Cotabato noong Oktubre 17, 2022.
Opisyal na inilunsad ng Polomolok Municipal Police Station ang nasabing aktibidad sa pamumuno ni PLtCol Marvin Duadua, Acting Chief of Police ng Polomolok MPS.
Ang synergized collaboration at partnership sa komunidad at mga religious sector sa pamamagitan ng isang programa na tinatawag na Revitalized PNP KASIMBAYANAN kasama si Hon. Leo Cordova, Municipal Councilor at Hon. Jessie Bontuyan, Brgy. Captain ng Brgy. Poblacion ng Polomolok, South Cotabato.
Layunin ng programang ito na magkaroon ng kamalayan na ang Pambansang Pulisya ng Pilipinas at ang mga mamamayan ay may mga tungkuling dapat gampanan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaunlaran sa ating komunidad, lalo na dito sa Rehiyon XII.
Binigyang-diin ng aktibidad ang pamamahagi at pagpin ng KASIMBAYANAN Button Pins sa mga tauhan ng RHQ at sa mga katuwang nito na sumisimbolo sa kamalayan sa iba’t ibang komunidad na tayo sa serbisyo ng pulisya at ang mga taong ating pinaglilingkuran ay may mahalagang papel sa pagbibigay ng kapayapaan, kaayusan, at kaunlaran.
Gayundin, ang ceremonial signing ng Pledge of Commitment ay nagpakita ng simbolikong suporta ng faith-based volunteers sa nasabing programa.
Panulat ni Patrolman Gio Batungbacal