Tarlac – Nagsagawa ng Revitalized PNP KASIMBAYANAN ang Sta. Ignacia PNP sa mga mag-aaral ng Grade 12 ng Calipayan National High School sa Barangay Sta. Ines East, Santa Ignacia, Tarlac nito lamang Huwebes, ika-27 ng Abril 2023.
Pinamunuan ito ni Police Major Joseph Morden, Chief of Police ng Santa Ignacia Municipal Police Station katuwang si Bishop Odarlico Galponia, Municipal Faith-Based Adviser.
Pinagpanalangin ni Bishop ang mga aktibong estudyante sa ating Panginoon sa kanilang kaligtasan at karunungan sa pag-aaral.
Samantala, nagbahagi din ng kaalaman ang Santa Ignacia PNP sa mga kabataan patungkol sa Anti-Illegal Drug Awareness.
Patuloy ang Santa Ignacia PNP sa pakikiisa sa kanilang nasasakupan para sa magandang ugnayan tungo sa pagkamit ng kaunlaran.
Source: Santa Ignacia Municipal Police Station
Panulat ni Police Corporal Jeselle Rivera/RPCADU3