Camp BGen Paciano Rizal, Bagumbayan, Laguna – Inilunsad ng Laguna Police Provincial Office ang Revitalized PNP KASIMBAYANAN (KApulisan, SIMBAhan at PamaYANAN) kasabay ng Traditional Monday Flag Raising Ceremony sa Camp BGen Paciano Rizal, Bagumbayan, Sta Cruz, Laguna nito lamang Lunes, Oktubre 10, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Colonel Randy Glenn Silvio, Officer-In-Charge, Laguna PPO, na dinaluhan ni Engineer John Cerezo, Provincial Director ng Department of Interior and Local Government-Laguna bilang Guest of Honor and Speaker, mga kinatawan mula sa iba’t ibang religious sectors, at mga sektor ng pamayanan.
Ang Revitalized PNP KASIMBAYANAN ay binubuo ng nagkakaisa at nagtutulungang Kapulisan, Simbahan at Pamayanan na may layuning pagyamanin at suportahan ang kasalukuyang PNP peace and security framework na M+K+K=K o ang Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan tungo sa Kaunlaran.
Nagsagawa ng Pledge of Commitment at Ceremonial Signing bilang pagpapatunay ng pagkakaisa ng iba’t ibang sektor at sinundan ng pagkabit ng KASIMBAYANAN pin.
Bukod dito, bawat religious sectors ay taos-pusong nagpahayag ng buong suporta sa programa ng Laguna PPO at nagkaroon ng pamimigay ng Certificate of Appreciation.
Layunin nitong palakasin ang ugnayan at pagkakaisa ng Kapulisan, Simbahan at Pamayanan sa pagpapanatili ng ligtas, maayos at mapayapang komunidad.
Panulat ni Patrolman Joshua Cruz/RPCADU 4A