Pampanga – Nanguna ang Regional Community Affairs and Development Unit 3 sa isinagawang Revitalized PNP KASIMBAYANAN o Kapulisan, Simbahan at Pamanayan at BIDA o “buhay Ingatan, Droga’y Ayawan” Program sa San Simon Elementary School, Brgy. San Jose, San Simon, Pampanga nito lamang Martes, ika-14 ng Marso 2023.
Ang naturang pagtuturo ay pinangunahan ni Police Major Raquel Pagnas, Assistant Chief ng Regional Police Community Affairs and Development Unit 3, Pastor Daniel Duenas, Faith-Based Adviser ng San Simon Municipal Police Station.
Nagbigay kaalaman ang mga awtoridad patungkol sa RA 9262 o Violence Against Women and their Children Act of 2004, RA 9710 o Magna Carta of Women, Gender Awareness and Development, at Anti-Illegal Drug Campaign, sa mga 50 na mag-aaral ng Alternative Learning System mula sa iba’t ibang barangay ng San Simon, Pampanga.
Samantala, nagbigay din si Pastor Duenas ng payo sa mga mag-aaral at nagturo ng salita ng Diyos ukol sa moralidad at tamang pag-uugali sa eskwelahan.
Layunin ng mga nasabing programa na magkaisa sa pagtutulungan ang Kapulisan, Simbahan at Pamayanan upang panatilihin ang kaayusan at kapayapaan sa nasasakupan.
Panulat ni Police Corporal Jeselle Rivera/RPCADU3