Nagkaisa ang KApulisan, SIMBAhan at PamaYANAN (KASIMBAYANAN) upang maghandog ng food packs sa mga residente ng Barangay Tucalan Passing, Lasam, Cagayan noong Oktubre 7, 2022.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Wilhelmino S Saldivar Jr., Force Commander ng 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company, alas-nuebe ng umaga ay nagtungo ang 3rd Mobile Force Platoon upang isagawa ang aktibidad sa nabanggit na lugar.
Maliban sa pamamahagi ng food packs ay nagbahagi din ng dasal at mga salita ng Diyos si Pastor Henry R Corpuz, Life Coach na nakapagbigay inspirasyon sa mga benepisyaryo.
Layon nito na palakasin ang pagkakaisa ng Pulisya, Religious sector at ang komunidad upang mahubog ang bawat isa na maging maka-Diyos, may pagpapahalaga sa pamilya kasabay ng pagseserbisyo at pakikipagkapwa-tao.
Dagdag nito, nais din ng aktibidad na mapalakas ang ugnayan ng bawat sector ng lipunan upang magtulungan sa pagresolba sa mga suliranin katulad ng insurhensiya.
Naging matagumpay ang aktibidad dahil sa suporta ng mga opisyal ng barangay, religious groups, at mga stakeholders.
Magpapatuloy sa paghahatid tulong at pagseserbisyo publiko ang buong hanay ng Pambansang Pulisya tungo sa maayos, tahimik at maunlad na bayan.
Source: 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company
Panulat ni Police Corporal Carla Mae P Canapi