Benguet – Idinaos ang retirement honors para kay Police Major General Oliver Enmodias, Director, Research and Development na ginanap sa Masigasig Grandstand, Camp Major Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet nito lamang ika-9 ng Nobyembre 2023.
Sinalubong ng isang masiglang katutubong sayaw at arrival honors si PMGen Enmodias at malugod na tinanggap ng mga tauhan ng PRO Cordillera sa pangunguna ni Police Brigadier General David Peredo Jr, Regional Director.

Sa seremonya, ginawaran si PMGen Enmodias ng dalawang PNP Special Service Medals (Medalya ng Pambihirang Paglilingkod), isang PNP Service Medal (Medalya ng Paglilingkod), at iba pang tokens at mementos, bilang pagkilala sa kanyang dedikasyon sa pagserbisyo sa PNP sa halos 38 taon.

Sa kanyang mensahe, nagpaalam si PMGen Enmodias sa kanyang karera sa Philippine National Police (PNP) at nagpasalamat sa lahat ng kanyang nakatrabaho at sa lahat ng kanyang mga mentors.
“Sa aking pagsisimula sa isang bagong paglalakbay, lagi kong suportahan ang ating mga pinuno at protektahan ang ating organisasyon. Makatitiyak na kahit sa ibang kapasidad, lagi akong nandiyan upang suportahan ang ating organisasyon. Pumipirma na ako ngayon para maging isang pribadong mamamayan,” dagdag nito.

Samantala, nakiisa sa seremonya si Police Lieutenant General Rhodel Sermonia, Deputy Chief for Administration na nagsilbing Presiding Officer.
Dumalo rin sina Lieutenant General Rowen S Tolentino, Superintendent, Philippine Military Academy; Police Major General Ritchie Menardo A Posadas, Director, National Police Training Institute; Major General Audrey L Pasia, Commander, 5th ID Philippine Army; Police Brigadier General Marcelo B Dayag, Executive Officer, Directorate for Research and Development; Police Brigadier General Benjamin DL Sembrano, Executive Officer, Directorate for Personnel and Records Management; at Hon. Benjamin B Magalong, Alkalde ng Baguio City,

Si PMGen Enmodias ay ang unang 2-Star General na nagmula sa munisipalidad ng Barlig, Mountain Province kung saan ginugol ang halos lahat ng kanyang paglilingkod sa kanyang pinagmulang rehiyon, ang Cordillera.