Ilocos Sur – Boluntaryong isinuko ng isang retiradong empleyado ng gobyerno ang kanyang walang lisensyang baril para sa safekeeping sa Bantay Municipal Police Station sa Bantay, Ilocos Sur nitong Linggo ng hapon, Agosto 14, 2022.
Kinilala ni Police Major Pol A Areola, Officer-In-Charge ng Bantay MPS, ang nagmamay-ari ng isinukong baril na si Dante Pescador y Lopez, 72, retiradong empleyado ng gobyerno at residente ng Brgy. Sagpat, Bantay, Ilocos Sur.
Ang isinukong armas ay isang 45 Caliber Pistol na may Serial Number na BT06562.
Ang pagsuko ng nasabing armas ay resulta ng isinagawang “Oplan Katok” ng Bantay PNP sa mga residente na may mga expired na license to owned and possess firearms at rehistro ng kanilang mga baril/armas.
Ito rin ay kaugnay sa pinaigting na pagsasakatuparan ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) na nakatuon sa kampanya laban sa loose firearms (RA 10591).
Nasa kustodiya na ngayon ng Bantay MPS ang nabanggit na baril na sinelyohan para sa safekeeping.
Layunin nitong mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa komunidad at maiwasan ang panganib na maaaring idulot ng kriminalidad at terorismo.
Source: Bantay Municipal Police Station
###
Panulat ni PSSg Vanessa A Natividad