Saturday, November 23, 2024

Responde ng Talisay City PNP, nauwi sa engkuwentro; suspek, sugatan

Nauwi sa engkwentro ang pagresponde ng mga tauhan ng Talisay City PNP sa isang reklamo ng panunutok ng baril ng isang suspek na nagtamo ng sugat matapos manlaban sa pulisya nito lamang Linggo, Mayo 22, 2022.

Kinilala ni Police Brigadier General Roque Eduardo DP Vega, Regional Director ng Police Regional Office 7, ang suspek na si Ramonell Chester Rivera Paul, 31, at ang biktima naman ay si Analin Dolanta, 24, parehong residente ng Purok Matinabangon, Davis, Brgy. Tabunok, City of Talisay, Cebu.

Ayon kay PBGen Vega, isang babae ang nanghingi ng saklolo sa Talisay City Police Station matapos itong tutukan ng baril ng suspek at pagbantaan. Kalaunan ay nagpaputok ng baril ang suspek matapos malaman na nagsumbong ang biktima sa PNP.

Ayon pa kay PBGen Vega, rumesponde ang mga tauhan ng Talisay City Police Station at pagdating ay pinaputukan sila ng suspek dahilan para gumanti  sila ng putok. Dahil dito, nasugatan ang suspek at dinala sa Talisay City District Hospital para malapatan ng lunas.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang isang revolver, isang live ammo at apat na fired cartridge case ng revolver.

Ang inyong PNP ay laging handa at maaasahan sa pagtulong upang makapagbigay ng public and safety service sa pamamagitan ng security operation na akma sa operational guidelines ng organisasyon.

###

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles