Balayan, Batangas – Nagsagawa ang Balayan PNP ng rescue operations sa ilang residente ng Brgy. Caloocan, Balayan, Batangas bandang 6:13 ng gabi nito lamang Sabado, Oktubre 29, 2022.
Ang operasyon ay pinangunahan ni Police Corporal Diana Siscar sa ilalim ng pamumuno ni Police Major Domingo Ballesteros Jr, Officer-In-Charge ng Balayan Municipal Police Station kasama ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office o MDRRMO-Balayan.
Inilikas ang mga residente dahil sa pagtaas ng water level sa lugar dulot ng bagyong “Paeng”.
Bukod dito, nagtalaga rin ng Reactionary Standby Support Force (RSSF) at nagsagawa ng route security sa mga lugar na apektado sa pagbaha.
Hinikayat ng pulisya ang mga mamamayan na nasa immediate danger zone na maging mapagmatyag, mag-ingat at sumunod sa abiso ng mga otoridad na lumikas para sa kaligtasan ng bawat isa.
Source: Balayan Municipal Police Station
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel Dulin