Pinagunahan mismo ni Police Lieutenant Colonel Reynaldo N Vitto, Station Commander ng Novaliches Police Station 4, ang rescue operation sa mga apektadong residente nito lamang Miyerkules, Hulyo 24, 2024.

Kasama ang pulisya ng naturang istasyon katuwang ang BFP-Novaliches at volunteers ay walang alinlangan na sinuong nina PLtCol Vitto ang hanggang baywang na tubig-baha.
Maraming residente ang natulungan ng naturang grupo kabilang na ang isang matanda na nakalagay sa stretcher bed, mga bata at mga residenteng na-trap sa baha.
Tulong-tulong ang pulisya upang mailikas ang mga residenteng apektado ng baha at madala sa evacuation center.

Kaligtasan ng mamamayan ang siniguro ni PLtCol Vitto at grupo nito kaya’t walang alinlangan na nanguna sa naturang rescue operation at nagpasalamat naman ang mga residente sa walang humpay na tulong at sakripisyo ng PNP lalo na sa panahon ng kalamidad.
Source: Novaliches Police Station 4
Panulat ni PSSg Grace Neville L Ortiz