Surigao Del Norte (December 25, 2021) – Patuloy ang pagsasagawa ng rescue at relief operations ng Police Regional Office 13 (PRO-13) sa kasagsagan ng kapaskuhan katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.
Kahapon, araw ng pasko ay tinungo ng kapulisan ang lalawigan ng Surigao del Norte, Dinagat Islands at Siargao Islands upang maipagpatuloy ang pagbibigay serbisyo publiko at maipadama pa rin sa mga kababayan natin ang tunay na diwa ng pasko.
“We shall not stop the support to the people now because this is the time where we need to help more. We must show the spirit of camaraderie in times of disaster. Especially on this day, we should be able to feel even more our love for our fellow Filipinos because I feel the sadness, they experience now that they will celebrate Christmas without a home,” ani Regional Director, PBGen Caramat Jr.
“I commend to all the police who are now constantly and tirelessly helping those affected by the typhoon even they are far away from their families. I hope you will not get tire of giving help to those in need not only now during the disaster but also at any time when our fellow Filipinos need us,” dagdag pa niya.
Ang walang humpay na suporta ng gobyerno, lokal na pamahalaan, pribadong sektor ay malaking tulong sa patuloy na relief operations ng kapulisan lalong lalo na sa mga pamilya at lugar na lubhang naapektuhan ng bagyo.
Samantala, tumanggap naman kahapon ang lokal na pamahalaan ng Sison ng 500 food packs bilang karagdagang ayuda at suporta ayon sa Regional Community Affairs and Development Division ng PRO13.
Pinuri naman ni PBGen Caramat ang kapulisan sa kanilang walang sawa at walang kapagurang pagtugon sa mga pangangailangan ng mga residente bagama’t sila ay malayo sa kanilang pamilya sa araw ng pasko.
###
Panulat ni: Police Corporal Romulo Cleve M Ortenero
Source: PRO13 Caraga PULIS PIO
May Puso at Malasakit
Tatak PNP