Pampanga – Nagsagawa ng Relief Operations ang mga tauhan ng San Luis PNP para sa mga residente na apektado ng baha sa Brgy. San Nicolas, San Luis, Pampanga nito lamang Sabado, ika-5 ng Agosto 2023.
Ang naturang pagtulong na pinangasiwaan ni Police Major Jimmy Malonzo, Chief of Police ng San Luis Municipal Police Station.
Namigay ng mga relief goods na naglalaman ng bigas, noodles at mga delata sa nasabing lugar.
Sinuong ng mga awtoridad ang baha upang mabigyan ng tulong ang mga residente sa kani-kanilang mga kabahayan.
Labis ang pasasalamat ng mga benepisyaryo sa hatid na tulong at malasakit mula sa San Luis PNP.
Patunay na ang San Luis PNP sa anumang sakuna o kalamidad ay maghahatid ng serbisyo sa kanilang nasasakupan.
Source: San Luis Municipal Police Station
Panulat ni PCpl Jeselle V Rivera