Nagsagawa ng relief operation ang mga tauhan ng Police Regional Office 11 sa mga nasalanta ng Masara Landslide sa Barangay Nuevo Iloco National High School, Mawab, Davao De Oro, Pebrero 21, 2022.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Police Brigadier General Alden B Delvo, Regional Director, PRO 11 katuwang ang Regional Community Affairs and Development Division 11 at Regional Police Community Affairs and Development Unit 11.

Tinatayang aabot sa mahigit kumulang 300 na residente ng nasabing lugar ang naging benepisyaryo sa naturang aktibidad kung saan nakatanggap ang mga ito ng food packs at hygiene kits.

Patuloy naman ang Pulis Rehiyon Onse na nakikiisa sa mga adhikain ng pamahalaan na matulungan ang mga nangangailangan upang lalong pagtibayin ang pagbibigay serbisyo publiko tungo sa kaayusan at pagbangon ng apektadong komunidad mula sa mga hindi inaasahang kalamidad.
Panulat ni Pat Elhynn Joy G Pagsugiron