Laurel, Batangas – Nagsagawa ng relief operation ang mga kapulisan ng Laurel sa mga residenteng apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal sa Brgy. Bugaan West, Laurel, Batangas bandang 7:00 ng gabi nitong Lunes, Marso 28, 2022
Pinamunuan ni Police Major Arlan Velarde, Officer-in-Charge ng Laurel Municipal Police Station ang nasabing aktibidad katulong ang Philippine Red Cross at Philippine Coast Guard.
Ayon kay Police Major Velarde, tinatayang 82 food packs na naglalaman ng bigas, noodles at de lata ang ipinamigay sa mga apektadong residente dahil sa pagsabog ng bulkan.
Ang Pambansang Pulisya ay laging nakahandang maghatid ng serbisyo para sa mabilis at maayos na pagtugon sa mga pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad.
###
Panulat ni Patrolman Jhun Jhun Macaindig
[…] Relief Operation isinagawa ng PNP Laurel para sa Taal victims […]