Arestado ang isang Regional Target ng Police Regional Office 6 at Philippine Drug Enforcement Agency 6 sa ikinasang drug buy-bust operation sa Barangay Poblacion A, Duenas, IloIlo nito lamang ika-6 ng Abril 2025.
Kinilala ni Police Major Dadje Delima, hepe ng Provincial Drug Enforcement Unit, ang nahuling suspek na si alyas “Nene”, 21 anyos, residente ng Barangay Igang, Pototan, Iloilo at itinalagang nasa Regional Target Priority List ng PNP at PDEA.
Ang buy-bust operation ay pinangunahan ng Iloilo Police Provincial Office, Provincial Drug Enforcement Team kasama ang PDEA 6, Duenas Municipal Police Station at Provincial Intelligence Unit.

Nakuha mula sa suspek ang apat (4) na heat-sealead plastic sachets ng suspected shabu, kasama ang buy-bust item na may bigat na humigit kumulang 160 gramo at may Standard Drug Price na tinatayang Php1,088,000.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Patuloy ang mas pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 6 laban sa iligal na aktibidad kaugnay sa ipinagbabawal na droga upang linisin ang komunidad mula sa mapanirang bisyo.
Ang matagumpay na operasyong ito ay patunay ng masigasig na pagsisikap ng Philippine National Police upang labanan ang kriminalidad at maprotektahan ang publiko laban sa panganib na dulot ng iligal na droga tungo sa Bagong Pilipinas.
Source: Mata sang Masa
Panulat ni Pat Andrea Dominique Depalubos