Cavite – Arestado sa joint intelligence-driven operation ng CALABARZON PNP ang Regional Most Wanted Person sa kasong Statutory Rape at Sexual Assault (5 Counts) nito lamang Disyembre 20, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Eleuterio Ricardo Jr, Provincial Director ng Cavite Police Provincial Office, ang suspek na si alyas “Nonoy”, residente ng Brgy. Toclong 1A, Imus City, Cavite.
Naaresto ang suspek sa kanyang tahanan ng pinagsanib na tauhan ng Warrant Section ng Imus Component City Police Station, Regional Intelligence Unit 4A Provincial Intelligence Team Cavite at 401st A Maneuver Company Regional Mobile Force Battalion 4A.
Naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Statutory Rape na walang inirekomendang piyansa at Sexual Assault (5 counts) na may inirekomendang piyansa na aabot sa Php200,000 bawat bilang.
Patuloy ang CALABARZON PNP sa pagpapaigting sa kampanya laban sa kriminalidad at mga nagtatago sa batas upang panagutin ang may kasalanan at mabigyan ng hustisya ang mga naging biktima.
Source: Cavite Police Provincial Office
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel T Dulin