Victoria, Laguna – Arestado ang isang Most Wanted Person (Regional Level) sa kasong Rape at Acts of Lasciviousness sa isinagawang operasyon ng Laguna PNP nito lamang Setyembre 5, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn Silvio, Officer-In-Charge, Laguna Police Provincial Office, ang akusado na si Baltazar De Leon y Espiritu, 59, may asawa, construction worker, residente ng Brgy. San Benito, Victoria, Laguna.
Ayon kay PCol Silvio, dakong 9:45 ng gabi naaresto ang suspek sa Brgy. Nanhaya, Victoria, Laguna ng pinagsanib na puwersa ng Victoria Municipal Police Station at Highway Patrol Group Laguna.
Nahaharap ang suspek sa kasong Rape at Acts of Lasciviousness kaugnay sa RA 7610 o Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
Ang PNP ay lalo pang palakasin ang puwersa sa pag-aresto sa mga taong lumabag sa batas para makamit ang ligtas, maayos at tahimik na probinsya.
Source: Laguna Police Provincial Office
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel Dulin