Arestado ng mga tauhan ng Mlang Municipal Police Station ang Top 10 Most Wanted Person sa Regional Level sa bisa ng Warrant of Arrest sa Barangay New Antique, Mlang, Cotabato nito lamang ika-18 ng Nobyembre 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Efren T Salazar Jr., Chief of Police ng Mlang Municipal Police Station, ang naarestong suspek na si alyas “Ipong”, 24, residente ng Barangay Antique, Mlang, Cotabato.
Inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest dahil sa kasong Murder na walang inirekomendang piyansa.
Ang matagumpay na pagkahuli sa suspek ay isang halimbawa ng mahusay na koordinasyon at determinasyon ng mga awtoridad sa pagpapatupad ng batas. Ipinapaabot ng PNP ang kanilang pasasalamat sa mga mamamayan na patuloy na nagbibigay ng impormasyon upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan ng komunidad.