Laguna ā Arestado sa ikinasang manhunt operation ng BiƱan PNP ang Regional Most Wanted Person ng CALABARZON sa kasong Murder nito lamang Disyembre 18, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Harold Depositar, Acting Provincial Director ng Laguna Police Provincial Office, ang suspek na si alyas āāHenryā, residente ng Bay, Laguna.
Naaresto ang suspek ganap na 2:50 ng hapon sa Brgy. Bulihan, Silang, Cavite ng BiƱan Component City Police Station (CPS), sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder na walang piyansang inirekomenda.
Ayon sa pahayag ni PCol Depositar, āNgayong papalapit na ang Pasko, paiigtingin pa ng Laguna PNP ang mga operasyon laban sa mga nagtatago sa batas. Nagpapatuloy din ang operasyon laban sa kriminalidad upang matiyak na maayos at ligtas ang pagdaraos ng araw ng Pasko ng ating mga mamamayanā.
Source: Laguna Police Provincial Office
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel T Dulin