Arestado ang isang Regional Most Wanted Person na 13 taon ng nagtatago sa batas sa isinagawang manhunt operation ng Liliw PNP sa Barangay Ilayang Palina, Liliw, Laguna nito lamang ika-9 ng Disyembre 2024.
Kinilala ni Police Colonel Gauvin Mel Y Unos, Acting Provincial Director ng Laguna Police Provincial Office, ang suspek na si alyas “Jeffrey”, residente ng Liliw, Laguna.
Naaresto ang suspek dakong 6:20 ng gabi sa nasabing barangay ng mga tauhan ng Liliw Municipal Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong pagpatay na walang inirerekomendang piyansa.
Ang Laguna PNP ay magpapatuloy sa mga operasyon sa pagtugis sa mga nagkasala sa batas ng sa gayon ay mapatawan ng angkop na kaparusahan ang mga ito at mabigyan ng hustisya ang mga maging biktima ng karumaldumal na krimen.
Source: Laguna Police Provincial Office
Panulat ni Patrolwoman Angelica Rica S Teng